Gutom At Kahirapan Sa Pilipinas Essay

FILE PHOTO: A child holds national flags of China and the Philippines before President of the Philippines Rodrigo Duterte and China’s President Xi Jinping attend a welcoming ceremony at the Great Hall of the People in Beijing, China, October 20, 2016. REUTERS/Thomas Peter

MANILA, Philippines — On the latest survey of the Social Weather Stations (SWS), Filipinos still trust the United States of America the most.

And even if China and Philippine governments have better relations now compared to the past, Filipinos still do not have much trust in the former.

China only has seven percent net trust compared to 68 percent of America, 55 percent of Canada and 54 percent of Japan.

Malacañang explained that it is only recently during the Duterte administration that the dealing between China and the Philippines become better that is why Filipinos do not have full trust on China yet.

“Siguro bigyan natin ng pagkakataon ang mga Tsino. Sabi nila, magpapadala sila ng napakaraming turista. Sabi nila magpapadala sila ng napakaraming kapital at negosyo,” said Presidential Spokesperson Harry Roque.

(Maybe let’s give China a chance. They say they will send many tourists, investors and businesses.)

However, Roque said that China must fulfill their promises so that the Filipinos will begin to trust them more.

“Kung di tayo magkakagulo dahil sa West Philippine Sea, kung sila ay tutupad sa kanilang pangako na di na sila magkakaroon ng bagong reklamasyon at di na sila magtatayo ng bagong artificial islands. So like all relationships, this is a two-sided relationship. We want to trust China but China must prove itself to be trustworthy,” said Roque.

(If things will not get worse in the West Philippine Sea, if they will be true to their promise of not doing any new reclamations and building artificial islands. So like all relationships, this is a two-sided relationship. We want to trust China but China must prove itself to be trustworthy.) — Rosalie Coz | UNTV News and Rescue

 

 

Tags: China, SWS, United States, West Philippine Sea

ANG ISYU SA KALUSUGAN

PINAKAMAHALAGA sa pansariling pangangailangan ng mga Pilipino ang kalusugan, ayon sa resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa noong nakaraang Disyembre.

Batay sa survey, itinuturing ng halos dalawa sa bawat tatlong Pilipino (63 porsiyento) ang kalusugan nila bilang pangunahing pangangailangan. Kasama ito sa iba pang pansariling isyu gaya ng pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay (44%), edukasyon (41%) at sapat na pagkain araw-araw (41%).

Nabatid din sa mga pag-aaral ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) na bagamat matatag ang ekonomiya at bumababa ang antas ng kahirapan at gutom, 41% pa rin ng ating mga mamamayan ang nag-aalala sa kakainin araw-araw.

Nauunawaan ko ang damdaming ito dahil bata pa ako ay nakita ko na ang hirap na dulot ng kawalang-katiyakan kung may sapat na pagkain sa hapag.

Kung minsan, ang aming malaking pamilya ay naiibsan ang gutom sa pagkain ng kanin at Purico, isang kilalang tatak ng mantika, na inihahalo namin sa kanin at kaunting asin.

Ngunit ang ibig kong talakayin ngayon ay ang nauukol sa kalusugan. Maraming indikasyon na marami pang dapat gawin upang magkaroon ng mataas na uri ng sistema sa healthcare, o pangangalaga sa kalusugan na abot ng lahat ng mamamayan.

Batay sa estadistika mula sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DoH), ang mortality rate sa Pilipinas ay umaabot sa 204 sa bawat 100,000 isinisilang noong 2015. Napakataas nito kung ihahambing sa hangarin sa ilalim ng Millennium Development Goals na 52 namamatay sa bawat 100,000 isinisilang.

Ayon pa rin sa WHO at DoH, 75,000 mga bata (may gulang na mababa sa limang taon) ang namamatay bawat taon. Hindi ito katanggap-tanggap. Anuman ang kalagayan ng ekonomiya at lipunan, dapat mabigyan ng mataas na uri ng pangangalaga sa kalusugan ang mga ina at supling.

Kaugnay ng isyung ito ang pagtatayo ng mga ospital. Batay sa tala ng DoH, noong 2009 ay may kabuuang 94,199 hospital bed ang Pilipinas, o 1.04 sa bawat 1,000 Pilipino. Mababa ito sa rekomendasyon ng WHO na 20 hospital bed sa bawat 10,000 populasyon.

Kung titingnan ang tala batay sa mga rehiyon, makikita ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga rehiyon. Ang National Capital Region (NCR) ay may 2.47 hospital bed sa bawat 1,000 populasyon samantalang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay mayroon lamang 0.17 hospital bed sa bawat 1,000 populasyon; ang CARAGA ay may 0.70/1,000; at ang Bicol Region ay… may 0.76/1,000.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sinusuportahan ko ang pagsisikap ng administrasyong Duterte na desentralisasyon ng kaunlaran sa mga lalawigan at ang pagdaragdag ng kapangyarihan sa nga lokal na pamahalaan.

Kamakailan, ang aking kumpanya ay pumasok sa larangan ng healthcare sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa UNIMED, isang asosasyon ng mga doktor, upang pamahalaan ang unang isang dosenang ospital sa bansa.

Ipinahayag ko noong nakaraang taon na ang unang sangay ng Vitacare UNIMED Hospital and Medical Center ay itatayo sa lupain ng Vista Land & Lifescapes, Inc. sa Daang Hari, Las Piñas.

Ang proyektong ito ay hindi lamang bahagi ng pagpapalawak sa aming negosyo, kundi upang makatulong sa pagbibigay ng mataas na uri ng paglilingkod sa larangan ng kalusugan.

(Ipadala ang reaksiyon sa: mbv.secretariat@gmail.com o dumalaw sa www.mannyvillar.com.ph) (Manny Villar)

Related

Tags: Opinyon

0 thoughts on “Gutom At Kahirapan Sa Pilipinas Essay”

    -->

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *